Dear critic,

Feel free to write your comments on any of my entries. I will be very glad to receive comments on grammatical errors. I will not entertain any comments from Anonymous. Therefore, kindly introduce yourself. Enjoy!

Yours truly,
Harli : )

3/10/2008

Lihȧm

I. 6/21/2005

Mahal kong kaibigan, gusto ko talagang sabihin sa iyo ang lahat ng niloloob ko bago pa man itong sumabog. Kay tamis nitong puso ko, ngunit hindi ko maipahayag sa iba. Para bang pabubulukin nila ito hanggang sa malamon na ito ng mga uod at kabuti. Mas lalo ko namang gusto sabihin sa iyo ito. Ang balakid lamang ay baka hindi mo matanggap ito, kahit kay tamis nito. Hindi ako nang-iinggit o kung ano man ang isipin mo.

Sa dami ng karga ng mundo, hindi ko na kayang magtimpi. Suko na ako. Ito ang nakakabuti sa ating lahat. Sana pagbigyan mo ako. Ngayon lamang ako humihingi ng pabor sa iyo. Pagbigyan mo na ang kahilingan kong ito. Hindi mo alam ang bukas. Baka madala ko pa itong mga ito sa langit, impiyerno o kahit sa purgatoryo. Hindi ako nagpapaalam sa iyo. Ganito na kalungkot ang buhay ko. Kung anu-ano na ang nasasabi ko sa iyo. Pagbigyan mo ako, o mahal kong kaibigan.

II. 6/28/2005

Pinagtataguan mo na ba ako? Babala pa lamang iyon! Nasaktan na ba kita? Sagutin mo ako! Huwag ka nalang magtago. Tatanggapin ko ang lahat ng sasabihin mo, kahit masakit sa kalooban. Ako ay tunay na kaibigan at patutunayan ko ito. Magpakita ka na! Hindi mo matatakasan ang lahat ng ito. Mas mabigat ang parusa kapag tumakas ka. Tunay ka ngang kaibigan pero huwag naman sa puntong wala ka na sa mundo. Patawarin mo ako. Kung ano man ang sala ko sa iyo, patawarin mo nawa ako sa ngalan ng Panginoon. Masakit ang magmahal, lalo na kapag tumagal ito ng mahabang panahon. Sa unos at agos, tayong dalawa pa rin, aking minamahal na sinta.

III. 7/10/2005

Matanong ko lang sa iyo. Bakit lagi mo akong inaaya sa ilog? Nakaupo lamang tayo doon at nagtatapon ng bato sa tubig. Pangkatuwaan lang ba ang pagtapon ng bato sa ilog. Oo nga. Napakaganda ang paglubog ng araw mula sa ilog na iyon. Kay ganda ng tanawin. Nagpapasalamat ako dahil inaaya mo ako sa ganitong lugar.

Naglaho na ang alaalang ito. At ako ay narito ngayon. Pinagmamasdan ang magandang tanawin noon. Ngayon, alam ko na ang lahat. Akala ko noon malalim ang ilog na ito. Kailangan pa kasing sumakay ng bangka para makatawid sapagkat walang tulay dito. Nang tumaob ang bangka namin noong isang araw sa gitnang bahagi, napaupo lamang ako sa mga bato. Gaanong katagal ka na bang nagtatapon ng bato sa kailawang ilog na ito? O Inang Kalikasan, patawad at nadamay kayo sa away ng langit at lupa.

3/08/2008

Empty Seasons



Spring's newborn

Summer's bloom
Fall's fade
Winter's rest
Eternal cycle
Universal law





All is lost

On wint'ry season
The vibrant color
The pure energy
Rebirth shall come
Like phoenix ashes





Loss arrived soon

At Spring's dawn
An empty nest
Barely a nest
Emerging life shattered
By unpredictable Nature

3/01/2008

Minsan sa Apat na Taon

Sa mapagmahal na buwan ng taon
Dumarating ang isang araw
Na minsan lang magpakita sa apat na taon
Malaking biyaya ang araw na ito sa kanya
Sapagkat bawas ang kanyang pagkukulang
Kung ihahambing sa ibang mga kapatid nito

Maliban sa kanyang hatid na kagalakan
Hatid din niya ang mga himalang
Nagdudulot ni kabutihan o kasamaan
Para sa mga isinilang sa araw na ito
Hindi agad nawawala ang kanilang kabataan
Ngunit napa-aga ang dalaw ni Kamatayan

Para sa mga nagsusumikap
Inilaan pa sila ng isang araw
Ng paggawa para sa kaunlaran
Para sa mga nag-aabang lamang
Isang araw pa ng pagdurusa
Para sa biyayang kailanman ay hindi darating

Kung maaari lang tayong pagbigyan
Ng dumadalaw na araw na ito
Para itama lahat ng kamaliang nagawa
Sa loob ng apat na taong bago siya dumating
Nang tayo ay makahinga ng maluwag
Sa susunod na apat na taon
Bago ang kanyang muling pagbalik
Sa pangakong tayo ay magbabago