Dear critic,

Feel free to write your comments on any of my entries. I will be very glad to receive comments on grammatical errors. I will not entertain any comments from Anonymous. Therefore, kindly introduce yourself. Enjoy!

Yours truly,
Harli : )

8/07/2008

Dalawang Manlalakbay

Pinagtagpo tayo ng tadhana
Sa ating sabay na paglalakabay
Papunta sa ating bagong buhay
Nagsimula ang pagkakaibigan
Sa isang payak na katanungan

Sa ating pangangapa sa unang taon
Tayo ay madalas maghambing
Mga karanasang magka-iba at katulad
Sa bawat pagbabahagi ng mga karanasan
Ikaw, kaibigan, lalong nakikilala

Sumunod na taon ay hindi na magkasabay
Ngunit paminsan-minsan ay nakakasalubong
Pinapakilala mga bagong tagpong kaibigan
Sa minsang maliit na bati ng pag-aalala
Tumataba ang puso at napapangiti sa ligaya

Sa hindi inaasahang pagkakataon
Nagsalubong ang ating daan sa wakas
Mula noon ay lalong naging magkalapit
Ngayon ay sabay hinaharap ang mga pagsubok
Paminsan-minsan nga ay sabay maglakbay

Nahiwalay muli tayo sa huling pagkakataon
Ngunit pagkakaibigan ay lalong pinatibay
Naghahambing muli ng mga karanasan
Minsan ay nagtutulungan sa mga pagsubok
At hindi mawawala ang sabay na paglalakbay

Sa kasalukuyan, tayo ay nagkakalayo
Magkaibang pangarap, magkaibang kinaroroonan
Hindi man masabayan sa pagtupad ng pangarap
Huwag nating limutin ang isa't isa
Sa pagmamahal tayo ay muling nagkakasabay

6/13/2008

Different Versions of the Philippine National Anthem

Lupang Hinirang
(Present Day Version)

Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay

Lupang Hinirang
Duyan ka ng magiting
San mamlulupig
Di ka pasisiil

Sa dagat at bundok
Sa simoy at sa langit mong bughaw
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal

Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim

Lupa ng araw, ng Luwalhati't pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya, na pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa iyo

Diwang Bayan
(Original Version)

O sintang lupa
Perlas ng Silanganan
Diwang apoy kang
Sa araw nagmula

Lupang magiliw
Pugad ng kagitingan
Sa manlulupig
Di ka papaslang

Sa iyong langit, simoy, parang
Dagat at kabundukan
Laganap ang tibok ng puso
Sa paglayang walang hanggang

Sagisag ng watawat mong mahal
Ningning at tagumpay
Araw't bituin niyang maalab
Ang s'yang lagi naming tanglaw

Sa iyo Lupa ng ligaya't pagsinta
Tamis mabuhay na yakap mo
Datapwa't langit ding kung ikaw ay apihin
Ay mamatay ng dahil sa iyo

Filipinas
(Spanish Version)

Tierra adorada
Hija del Sol de Oriente
Su fuego ardiente
En ti latiendo esta

Patria de Amores
Del heroismo cuna
Los invasores
No te hollaran jamas

En tu azul cielo, en tus auras
En tus montes y en tu mar
Esplende y late el poema
De tu amada libertad

To pabelion, que en las lides
La Victoria ilumino
No vera nunca apagagos
Sus estrellas y su sol

Tierra de dichas, de sol y amores
En tu regazo dulce es vivir
Es una gloria para tus hijos
Cuando te ofenden, por ti morir

National Anthem
(English Version)

Land of the Morning
Child of the sun returning
With fervor burning
Thee do our souls adore

Land dear and holy
cradle of noble heroes
Ne'er shall invaders
Trample thy scared shore

Even within the skies
And Through the clouds
And o'er thy hills and sea
Do we behold the radiance,
Feel the throb of glorious liberty

Thy banner, dear to all our hearts
Its sun and stars alight
O never shall its shining field
Be dimmed by tyrant's might!

Beautiful land of love
O land of light
In thine embrace 'tis rapture to lie
But it is glory ever
When thou art wronged
For us, thy sons, to suffer and die.

Source: http://oasis.fortunecity.com/acapulco/215/anthem.htm

5/26/2008

Ang Mga Pagsubok ng Pagkakaibigan

Ang samahan ng magkaibigan
Pinatitibay ng pagsubok
Sa kabiguan pinapapalakas
Kalooban ng isa't isa
Sa tagumpay lalong nadarama
Ang pagmamahal ng isang kapatid

Pagpapakilala sa isa't isa
Ang unang balakid sa pagkakaibigan
Pilit sinisira ang malaking harang
Na pumipigil sa pakikipagtalastasan
Makikita mo sa kanyang mga mata
Ang hiwaga ng kanyang katauhan

Pagpapanatili ng kanyang tiwala
Ang pangalawang hamon ng pagkakaibigan
Kailanman ay hindi lubos na makikilala
Sa ikli ng panahon ng buhay
Katapatan ang tanging susi
Sa tiwalang panghabang-buhay

Ang pagkakaloob mo sa kanya sa iba
Ang pangatlong pagsubok ng pagkakaibigan
Hindi habang araw ay mapaglilingkuran
Kaya ipagkatiwala sa isang maaasahan
Tiyak na ang kaligtasan at kasiyahan
Kanyang makakamit at iingatan

Lumipas man ang araw at buwan
Malayo man sa isa't isa
Ang pagkakaibigang tunay
Kailanman ay hindi mapapawi
Ang huli at ang nakakahigit na pagsubok
Atin nang nalagpasan

3/10/2008

Lihȧm

I. 6/21/2005

Mahal kong kaibigan, gusto ko talagang sabihin sa iyo ang lahat ng niloloob ko bago pa man itong sumabog. Kay tamis nitong puso ko, ngunit hindi ko maipahayag sa iba. Para bang pabubulukin nila ito hanggang sa malamon na ito ng mga uod at kabuti. Mas lalo ko namang gusto sabihin sa iyo ito. Ang balakid lamang ay baka hindi mo matanggap ito, kahit kay tamis nito. Hindi ako nang-iinggit o kung ano man ang isipin mo.

Sa dami ng karga ng mundo, hindi ko na kayang magtimpi. Suko na ako. Ito ang nakakabuti sa ating lahat. Sana pagbigyan mo ako. Ngayon lamang ako humihingi ng pabor sa iyo. Pagbigyan mo na ang kahilingan kong ito. Hindi mo alam ang bukas. Baka madala ko pa itong mga ito sa langit, impiyerno o kahit sa purgatoryo. Hindi ako nagpapaalam sa iyo. Ganito na kalungkot ang buhay ko. Kung anu-ano na ang nasasabi ko sa iyo. Pagbigyan mo ako, o mahal kong kaibigan.

II. 6/28/2005

Pinagtataguan mo na ba ako? Babala pa lamang iyon! Nasaktan na ba kita? Sagutin mo ako! Huwag ka nalang magtago. Tatanggapin ko ang lahat ng sasabihin mo, kahit masakit sa kalooban. Ako ay tunay na kaibigan at patutunayan ko ito. Magpakita ka na! Hindi mo matatakasan ang lahat ng ito. Mas mabigat ang parusa kapag tumakas ka. Tunay ka ngang kaibigan pero huwag naman sa puntong wala ka na sa mundo. Patawarin mo ako. Kung ano man ang sala ko sa iyo, patawarin mo nawa ako sa ngalan ng Panginoon. Masakit ang magmahal, lalo na kapag tumagal ito ng mahabang panahon. Sa unos at agos, tayong dalawa pa rin, aking minamahal na sinta.

III. 7/10/2005

Matanong ko lang sa iyo. Bakit lagi mo akong inaaya sa ilog? Nakaupo lamang tayo doon at nagtatapon ng bato sa tubig. Pangkatuwaan lang ba ang pagtapon ng bato sa ilog. Oo nga. Napakaganda ang paglubog ng araw mula sa ilog na iyon. Kay ganda ng tanawin. Nagpapasalamat ako dahil inaaya mo ako sa ganitong lugar.

Naglaho na ang alaalang ito. At ako ay narito ngayon. Pinagmamasdan ang magandang tanawin noon. Ngayon, alam ko na ang lahat. Akala ko noon malalim ang ilog na ito. Kailangan pa kasing sumakay ng bangka para makatawid sapagkat walang tulay dito. Nang tumaob ang bangka namin noong isang araw sa gitnang bahagi, napaupo lamang ako sa mga bato. Gaanong katagal ka na bang nagtatapon ng bato sa kailawang ilog na ito? O Inang Kalikasan, patawad at nadamay kayo sa away ng langit at lupa.

3/08/2008

Empty Seasons



Spring's newborn

Summer's bloom
Fall's fade
Winter's rest
Eternal cycle
Universal law





All is lost

On wint'ry season
The vibrant color
The pure energy
Rebirth shall come
Like phoenix ashes





Loss arrived soon

At Spring's dawn
An empty nest
Barely a nest
Emerging life shattered
By unpredictable Nature

3/01/2008

Minsan sa Apat na Taon

Sa mapagmahal na buwan ng taon
Dumarating ang isang araw
Na minsan lang magpakita sa apat na taon
Malaking biyaya ang araw na ito sa kanya
Sapagkat bawas ang kanyang pagkukulang
Kung ihahambing sa ibang mga kapatid nito

Maliban sa kanyang hatid na kagalakan
Hatid din niya ang mga himalang
Nagdudulot ni kabutihan o kasamaan
Para sa mga isinilang sa araw na ito
Hindi agad nawawala ang kanilang kabataan
Ngunit napa-aga ang dalaw ni Kamatayan

Para sa mga nagsusumikap
Inilaan pa sila ng isang araw
Ng paggawa para sa kaunlaran
Para sa mga nag-aabang lamang
Isang araw pa ng pagdurusa
Para sa biyayang kailanman ay hindi darating

Kung maaari lang tayong pagbigyan
Ng dumadalaw na araw na ito
Para itama lahat ng kamaliang nagawa
Sa loob ng apat na taong bago siya dumating
Nang tayo ay makahinga ng maluwag
Sa susunod na apat na taon
Bago ang kanyang muling pagbalik
Sa pangakong tayo ay magbabago

2/15/2008

Guryon

Sinta, ika'y aking nilikhang guryon
Binuhos ang aking lahat para sa iyo
Pagmamahalang kasingkulay ng mga papel
Pinatibay ng dalawang kahoy
Hinasa ng matalim na gunting
Isang kwentong unti-unting binuo ng tadhana

Aking guryon na tangi likha ng puso ko

Sa gitna ng ating kasiyahan
Naroon ang katotohanan
Ng iyong paglisan
Ika'y dapat pakawalan
Para sa iyong kalayaan
Lalo na ang iyong kasiyahan
Dahil ika'y para sa kalangitan

Sa iyong paglalakbay
Huwag maalala at malumbay
Sapagkat naroon ang tali
Na nag-uugnay sa ating dalawa
Hihilain kita mula sa paghihinagpis
Aalagaan kita nang mabuti
Hanggang maghilom ang iyong puso